KANDILA
ni Felipe Sullera Jr.
BSED-Filipino
Foundation University
Dumaguete City
Nang ako'y magkamalay
Liwanag mo'y bahagi na ng buhay
Init ng pagmamahal ang tangi mong alay
Madilim na bahay linagyan mo ng kulay.
Nagmula sa langit ang iyong liwanag
Inilawan ang buhay ng natatangi mong dilag;
Nang ika'y masindihan buhay ko'y anong liwanag
Kahit puso't kaluluwa abot ng iyong sinag.
Madilim kong pag-iisip pilit mong iniilawan
Mabago lang ang ikot ng aking kapalaran;
Kahit ang sarili'y sobrang nahihirapan
Handang magsakripisyo magliwanag lang ang dinaraanan.
Ngayon, daop kamay akong nananalangin
Nawa'y buhay mo'y lalong pahabain
Kalusugan mo'y sa Diyos hihilingin
Nang ang liwanag mo'y patuloy kong maaangkin.
Maraming salamat sa iyong liwanag
Pagiging malakas ko'y di natitinag;
Ako'y hinubog ng iyong sinag
Ikaw ang kandila nitong pusong liyag.
No comments:
Post a Comment